Trial sa Amerika ng mga kaso ni Pastor Quiboloy, ipinagpaliban

Na-reschedule ang pagdinig ng United States court para sa patung-patong na mga kasong kriminal ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy.

Kung maaalala – nakatakda sana kasi sa March 19 ng susunod na taon ang pagdinig sa mga kaso ni Quiboloy kabilang na ang conspiracy to engage in sex trafficking by force, coercion; sex trafficking of children, marriage fraud, fraud; at misuse of visas, bulk cash smuggling, promotional money laundering, and international promotional money laundering.

Pinagbigyan ng US Court ang kahilingan ni Quiboloy na bigyan pa sila ng karagdagang oras kaya naman inilipat ang pagdinig sa November 5, 2024.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *