LEGAZPI-KINUMPIRMA ng Libon Municipal Police Station na magpapadala ng dagdag pwersa sa hanay ng kapulisan para sa pagbibigay seguridad matapos maitala ang sunod-sunod na pamamaril sa bayan ng Libon Albay.
Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Police Police Major Arthur C. Tagtag Jr.,hepe ng Libon Municipal Police Station, kasalukuyan ng nagpapagaling mula sa pamamaril ang mga biktimang tricyle driver na si Eugene Buendia Atienza, 27 anyos, na nagtamo ng tama ng baril sa kamay at mga braso at 15 anyos na pasahero na may tama rin sa likod na parte ng katawan.
Ayon kay Talgatag namamasada umano ang driver ng bigla na lamang itong pagbabarilin ng di pa nakikilalang mga salarin.
Posible rin umanong punterya talaga nito ang tricycle driver at nadamay lamang ang estudyante.
Aniya, may mga nauna ng insidente ng pamamaril sa barangay Libtong na kung saan ang dalawang magsasakang pinatay noong lunes ay pawing dating myembro ng conception criminal gang at sa pakikipag-usap nila sa bagong biktima, pinabulaanan nito na may koneksyon sya sa grupo.
Sa ngayon, wala naman umanong dapat ikabahala ang mga residente.
Kung matatandaan, bago ang eleksyon, isang mag ama ang pinatay sa libon at noong election, isang barangay kagawad ang binaril din.
Nanawagan naman ito sa mga barangay officials na makipagtulungan na sa kanila para mahuli na ang Concemption Criminal Group na siyang kilala sa malawakang extorsyon, pagpatay at iba pang illegal na aktibidad hindi lamang sa kanilang bayan kundi sa buong rehiyong Bicol.
CAMARINES SUR- Napatalon, napahiyaw, at napaiyak sa saya si Judah Paulo Espero ng Camarines Sur…
Naguol ug nangayo og pasaylo ang driver sa v-hire nga nibuto ang ligid ug nalimbuwad…
CAMARINES SUR — Hindi pa nakikita ng Department of Trade and Industry Camarines Sur, ang…
CAMARINES SUR – Hindi pa masasabi ngayon ng Department of Education Camarines Sur, kung may…
Dead-on-arrival ang 16-anyos nga magtutungha human aksidenteng mibangga ang gimaneuhang motorsiklo sa nakaparadang crane bandang…
Hingpit nang nakadawat ang libuan ka mga benepisyaryo sa cash-for-work program sa Lianga, Surigao del…