Tricycle driver at 15 anyos na estudyante sugatan sa pamamaril sa Libon, Albay

LEGAZPI-KINUMPIRMA ng Libon Municipal Police Station na magpapadala ng dagdag pwersa sa hanay ng kapulisan para sa pagbibigay seguridad matapos maitala ang sunod-sunod na pamamaril sa bayan ng Libon Albay.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Police Police Major Arthur C. Tagtag Jr.,hepe ng Libon Municipal Police Station,  kasalukuyan ng nagpapagaling mula sa pamamaril ang mga biktimang tricyle driver na si Eugene Buendia Atienza, 27 anyos, na nagtamo ng tama ng baril  sa kamay at mga braso at 15 anyos na pasahero na may tama rin sa likod na parte ng katawan.

Ayon kay Talgatag namamasada umano ang driver ng bigla na lamang itong pagbabarilin ng di pa nakikilalang mga salarin.

Posible rin umanong punterya talaga nito ang tricycle driver at nadamay lamang ang estudyante.

Aniya, may mga nauna ng insidente ng pamamaril sa barangay Libtong na kung saan ang dalawang magsasakang pinatay noong lunes ay pawing dating myembro ng conception criminal gang at sa pakikipag-usap nila sa bagong biktima, pinabulaanan nito na may koneksyon sya sa grupo.

Sa ngayon, wala naman umanong dapat ikabahala ang mga residente.

Kung matatandaan, bago ang eleksyon, isang mag ama ang pinatay sa libon at noong election, isang barangay kagawad ang binaril din.

Nanawagan naman ito sa mga barangay officials na makipagtulungan na sa kanila para mahuli na ang Concemption Criminal Group na siyang kilala sa malawakang extorsyon, pagpatay at iba pang illegal na aktibidad hindi lamang sa kanilang bayan kundi sa buong rehiyong Bicol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *