Tricycle sa Quezon, Palawan may bagong taripa

Muling naglabas ng bagong taripa ang Lokal na Pamahalaang Unit ng Quezon para sa pamasahe ng mga pasahero ng tricycle.

Ito ay bilang tugon sa obserbasyon na hindi na nasusunod ang naunang ipinatupad na taripa na nakabase sa presyo ng kada litro ng gasolina sa munisipyo.

Ayon sa mga bagong datos, narito ang mga dapat na bayaran ng pasahero depende sa presyo ng gasolina:

Kung ang presyo ng gasolina ay nasa 60 hanggang 64 pesos, ang pamasahe ay 12 pesos.

Kung 65 hanggang 68 pesos, ang pamasahe ay 13 pesos.

Kung 69 hanggang 72 pesos, ang pamasahe ay 14 pesos.

At kung 73 hanggang 76 pesos, ang pamasahe ay 15 pesos.

Sa kasalukuyan, dahil ang presyo ng gasolina ay nasa 69 hanggang 76 pesos kada litro, ang dapat na singilin ng bawat tricycle driver sa kada pasahero ay nasa 14 hanggang 15 pesos lamang.

Samantala, ang mga pasahero na sisingilin ng higit sa itinakdang taripa ay maaaring magreklamo at i-report ang driver sa kinauukulan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *