Tricycle sector sa bayan ng Basud  nabigla sa karagdagang requirement  na sumailalim sa chest X- Ray ang driver sa pag- renew ng kanilang prangkisa

CAMARINES NORTE – Ikinabigla ng tricycle sector sa bayan ng Basud, Camarines Norte ang karagdagang requirement na pagsasailalim sa chest X-ray ng driver sa pag renew ng kanilang prangkisa.

Bukod sa karagdagang gastos hindi rin daw sila naabisuhan hinggil bago ito ipatupad.

Si  “Mang Hansel” na Pangulo ng Toda sa Basud- Daet boundary ay naguguluhan daw kung ano ang kinalaman ng chest- x ray sa pag renew ng prangkisa.

Sabi naman ng isa pang Pangulo ng TODA na si Ernesto Obina malaking kabawasan ang gastusin sa chest x- ray sa kanilang maliit na kinikita.

Nagpaliwanag naman tungkol dito ang Municipal Health Office. Ayon kay Municipal Health Officer Dr.  Joel Paolo Delos Reyes, ang rekomendasyon na isama bilang requirement ang chest- xray sa mga driver ng tricycle bago maisyuhan ng Health Sanitation card, na requirement naman sa franchise renewal ay nanggaling sa joint consensus ng Department of Health at ng University of the Philippines na tinatawag na periodic health examination in the Philippines.

Nakapaloob din aniya ito sa Local Health Board Resolution na inaprobahan noong nakaraang taon o ang pagpapatupad ng sanitation and hygienic regulations practices.

Ayon naman kay Vice Mayor Ramir Barrameda, nagkaroon na sila ng pag- uusap kasama ang MHO, at 11 TODA at napagkasunduang i- adjust ang deadline ng submission ng chest x-ray result hanggang Marso nitong taon.

Dahil dito maaari pa ring mag renew ng kanilang prangkisa ang mga operator at driver at isumite na lang ang kanilang health sanitation card batay sa  napagkasunduan.

Sa kabila nang ng pag- alma nakahanda naman daw sumunod ang mga operator at driver sa bagong panuntunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *