Tricyle driver na sobrang maningil, maaring i-report sa city traffic!

KORONADAL CITY — MULING nagpa-alala ang tanggapan ng City Traffic Management Office o CTMO-Koronadal sa mga tricycle driver sa lungsod na iwasan ang paniningil ng sobra sa mga pasahero sa kabila ng pagmahal ng presyo ng produktong petrolyo.

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay Joy Placer, hepe ng CTMO-Koronadal, sinabi nito na marami silang natatanggap na reklamo laban sa mga tricycle driver sa lungsod na sobra kung maningil ng pamasahe.

Paliwanag ng opisyal na walang karapan ang mga tricycle drivers na maningil ng higit sa umiiral na 2014 Fare Matrix ng lungsod dahil ito pa rin ang sinusunod hanggang sa ngayon hangga’t walang bagong inilabas na fare matrix ang city government.

Nilinaw nito na may isinumite nang apela para sa dagdag na pamasahe sa Koronadal ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa ito aprobado.

Panawagan na lamang nito sa publiko na kunin ang MTOP ng mga abusadong tricycle driver at i-report sa kanilang tanggapan upang maparusahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *