Tropical depression Dante, bumagal sa loob ng PAR

Bumagal ang galaw ng tropical depression Dante sa loob ng Philippine area of responsibility.

Sa ngayon, kumikilos si Dante sa bilis na 15 kilometers per hour mula sa unang speed na 25 kph, kung saan sentro nito ang 835 km Eastng Mindanao, mula sa naunang estimate na 820 km, dala ang lakas na hangin na 55 kph malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 70 kph.

Kaugnay nito, nagbabala ang Pagasa ng mahina hanggang sa katamtamang ulan na kung minsa’y malakas sa Caraga at Davao regions, dahil sa outer rainbands ng Dante.

Sa ilalim ng naturang kondisyon, malaki ang posibilidad ng isolated hanggang sa kalat-kalat na pagbaha kabilang na ang flash floods at landslides.

Samantala, wala pa namang itinaas na storm signals sa alinmang bahagi ng bansa.

Sa kabila nito, sinabi ng weather bureau na malaki ang posibilidad na lumakas si Dante bilang tropical storm ngayong umaga at bahagyang lalakas pa hanggang sa Miyerkules.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *