Trough ng bagyong Henry magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa

Humina pa ang bagyong “HENRY” at ngayon ay nasa 355 km East Northeast ng Itbayat, Batanes.

Taglay nito ang maximum sustained winds na 150 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 185 km/h.

Mabagal itong gumagalaw pa-Hilaga at inaasahang lalabas ng PAR mamayang gabi.

Ang mga Isla ng Batanes at Babuyan ay patuloy na makakaransas ng katamtaman hanggang sa matinding pinsala sa mga istruktura at mga halaman na posible dahil sa pagkasira ng mapangwasak na hanging lakas ng bagyo dahil yan epekto ng Bagyong Henry.

Ang Metro Manila, Ilocos Region, nalalabing bahagi ng Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, CALABARZON, at Occidental Mindoro ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa trough  ng bagyo at Southwest Monsoon.

Ang nalalabing bahagi ng bansa naman ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa localized thunderstorms.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *