Truck, $1.5-million cash prize, scholarship at iba pa, pwedeng mapanalunan ng mga residenteng magpapabakuna kontra COVID-19 sa West Virginia

West Virginia—Kung sa isang distrito sa Thailand ay mga baka ang mapapanalunan sa raffle ng mga residenteng magpapabakuna kontra sa COVID-19, sa West Virginia U.S.A ay scholarship, $1.5 – million na cash prize at weekend getaway ang pwedeng mapanalunan ng mga residenteng magpapaturok ng COVID-19 vaccine.

Tanging ang mga residente lamang sa lugar na nasa listahan ng mga tumanggap na ng bakuna ang mayroong pagkakataon na manalo ng mga nasabing pa premyo.

Ayon kay West Virginia Governor Jim Justice, ito ang naisip na programa ng kanilang pamahalaan para mahikayat ang mga residente sa lugar na magpaturok ng bakuna kontra coronavirus.

Bukod sa mga nabanggit na prizes, kasali rin sa pwedeng mapanalunan ang mga hunting rifles at shotgun pati na rin ang dalawang truck.

Pasok at kasali sa nasabing raffle draw ang mga entries ng mga nabakunahan simula ngayong June 20 hanggang August 4, 2021.-30- || JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *