Truck helper, natagpuang patay sa loob ng 10-wheeler truck sa Bacacay, Albay

LEGAZPI CITY – Patay nang matagpuan ang isang truck helper sa loob mismo ng isang 10-wheeler ruck sa Bacacay Port, Barangay 1, Bacacay, Albay.

Kinilala ang biktima na si Wenei Peleno Cabilos, 47 anyos residente ng Palta Big, Virac, Catanduanes. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, wala ng buhay ng makita ang biktima habang nakahiga sa passenger seat ng isang puting Ten (10) wheeler truck, na may plate no. NEV 2877 na nakarehistro sa JD construction na pag-aari ng Dominick Co ng Constantino Virac, Catanduanes, sakay ng LCT Concepcion Faith cargo vessel (RORO Bacacay – Virac).

Dinala ang nasabing tao sa RHU Bacacay ngunit idineklara itong dead on arrival ng attending physician.

Posible umano ang ikinamatay ng biktima ay dahil sa inatake ito sa puso.

Sa ngayon ay ang labi ng biktima ay nasa Carlito Bercasio Funeral Service ng Bacacay, Albay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *