Truck na magdedeliver ng softdrinks, bumaliktad

Nagtamo ng mga minor injury ang drayber ng isang closed van truck sa Purok 2, Villa Concepcion, Cauayan City matapos bumaliktad ang naturang sasakyan.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team, ang naturang truck ay naglalaman ng mga ide-deliver sanang mga softdrinks.

Ayon naman sa report, nasobrahan ng drayber ang kaniyang pagmamaneobra kaya ito nawawalan ng kontrol at natumba sa gilid ng kalsada.

Sa kasalukuyan ay inaalam pa ng mga awtoridad ang kabuuang halaga ng naging pinsala sa naturang insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *