Truck , nabagsakan ng puno sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- Sugatan ang driver ng truck matapos na mabagsakan ng puno ng Acacia ang minamanehong sasakyan bandang alas-4 ng  hapon nitong Nov. 13, 2023.

Nangyari ito sa Barangay Paolbo, Calabanga kung saan tinatahak ng truck na dala ni Alvin Codilla 59-anyos ng Concepcion Grande Naga City ang daan patungo sa bayan ng Tinambac nang biglang bumagsak ang nasabing puno.

Pinagtulungan ng mag nagresponde na maalis ang malalaking sanga ng puno sa unahang bahagi ng truck upang marescue ang driver. Dinala sa ospital ang sugatang si Codilla.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *