Trust ratings ni PRRD namamayagpag pa rin, ilang buwan bago bumaba sa puwesto

Namamayagpag pa rin ang trust ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte ilang buwan bago ito bumaba sa puwesto.

Sa inilabas na Publicus Pahayag 2022 survey na isinagawa noong March 30 hanggang April 6, 2022, nakuha ng Pangulo ang 61.2 percent na trust rating mas mataas sa 55.1 percent nitong Enero.

Maliban dito nasa 67.2 percent din mula sa 1,500 respondents ang nagsabing maayos ang performance ni Pangulong Duterte sa nagdaang labing-dalawang buwan.

Nabatid na noong 2021 ang trust ratings ni Pangulong Duterte ay naglalaro lamang sa 50.4 hangang 55.1 percent.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *