Tubig-ulan mula sa cloud seeding, walang masamang epekto sa mga pananim – PAGASA

Tiniyak ng PAGASA na ligtas at walang masamang epekto sa mga pananim ang tubig-ulan na mula sa cloud seeding operation.

Ayon kay Weather Specialist Romeo Ganal ng Northern Luzon PAGASA Regional Services Division, ang tubig-ulan aniya na mula sa cloud seeding ay walang pinagkaiba sa tubig-ulan na nagmula sa natural na pamamaraan.

Kaugnay nito, ang cloud seeding ay naglalayong matugunan ang suliranin sa tubig kung magkukulang ito dahil sa umiiral na El Niño sa bansa. Isinasagawa ang naturang operasyon sa pamamagitan ng paglalagay ng mga pinong asin sa kaulapan na magdadala naman ng pag-ulan.

Sa kasalukuyan ay wala pang pinal na petsa kung kalian ang scheduled cloud seeding sa Lambak ng Cagayan subalit pinaghahandaan na ito ng mga awtoridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *