Tulak ng iligal na droga arestado sa isang buy bust operation sa bayan ng Basud

CAMARINES NORTE – Arestado ang isang tulak ng iligal na droga sa isinagawang buy- bust operation ng mga pulis sa Purok 4, Barangay Pinagwarasan, Basud, Camarines Norte Linggo ng gabi.

Ayon sa ulat ng Camarines Norte Police Provincial Office kinilala ang suspek na si Napoleon Espinola y Purification 36 anyos, construction worker at residente sa nabanggit na lugar.

Ang naturang operasyon ay nagresulta sa pagkakakumpiska sa suspek ng dalawang piraso ng hinihinalang shabu at buy bust money.

Tinatayang aabot sa mahigit kumulang dalawang libong piso ang halaga ng nakumpiskang iligal na droga.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang pagkaka aresto sa suspek ay dahil sa pinaigting na kampanya kontra iligal na droga sa pamamagitan pa rin ng Enhanced Simultaneous Anti Criminality Law Enforcement Operations (E- SACLEO).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *