Tulak ng iligal na droga sa Paracale timbog sa buy bust operation

CAMARINES NORTE- Timbog ang isang tulak umano ng iligal na droga sa isinagawang buy bust operation ng mga pulis Sabado ng hapon sa San Antonio Street, Barangay Poblacion Norte Paracale, Camarines Norte.

Sa ulat ng Camarines Norte Police Provincial Office kinilala ang suspek na si Rodel Tayas 30, residente sa nabanggit na lugar

Narekober kay Tayas ang isang katamtamang pakete ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng humigit kumulang P30, 000 at dalawa pang piraso ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga rin ng P30, 000.

Narekober din sa suspek ang P30, 000 boodle money na may isang P500, gayundin ang motorsiklo.

Ayon sa PNP, kabilang si Tayas sa listahan ng Regional Calibrated Database on Illegal Drugs.

Ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at ang mga nakumpiskang ebedensiya ay nasa kustodiya na ng Paracale MPS para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *