Tulak ng illegal na droga, timbog sa drug buy-bust operation ng PDEA

KORONADAL CITY – TIMBOG ang isang lalaking tulak ng illegal na droga sa isinagawang drug buy-bust operation ng PDEA 12 South Cotabato Provincial Office ganap na alas 9:00 ng umaga kanina sa harap ng simenteryo sa may bahagi ng Purok Golden Shower, Barangay New Pangasinan, Koronadal City.

Kinilala ang nahuling suspek kay Jessie Boy Juarez, 49 anyos, residente ng Purok Bayanihan, Barangay Sto.Niño. Ito ay hinuli, matapos mabilhan ng mga otoridad ng isang pakete ng hinihinalang shabu, na nagkakahalaga ng 1,000 pesos.

Maliban dito, narekober pa sa pag-iingat nito ang anim na pakete ng hinihinalang shabu, buy-bust money at isang malaking pakete ng hinihinalang shabu sa loob ng sasakyan nito. Si Juarez ay dati ng nahuli sa paglabag sa RA 9165 subalit sa monitoring ng mga ahente ng PDEA ay muli itong sumabak sa pagbibinta ng illegal na droga.

Sa ngayon ito ay nananatili sa pag-iingat ng PDEA Region 12 at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *