Tulfo, binatikos ang crackdown ng gobyerno ng Kuwait sa mga OFWs

Hindi nagustuhan ni Senate Committee on Migrants Workers chairperson Senador Raffy Tulfo ang pagpapadeport ng gobyerno ng Kuwait sa mga Pinoy workers at ang pag-demand nito na magpublic apology ang Pilipinas sa kanilang mamamayan.

Ayon kay Tulfo nakakadismaya ang naging hakbang ng Kuwaiti government na sa halip na sundin ang maayos na terms and conditions para sa mga OFWs at humingi ng tawad sa mga pang-aabuso sa Pinoy workers ay binaliktad pa nito ang sitwasyon.

Gayunpaman sinabi ng senador na bukas siya sa pakikipag ugnayan sa DMW at DFA upang masigasig na lumahok sa usaping makabubuti sa pre-engagement protocols para sa mga OFW.

Gayundin ang pagkakaroon ng pakikipag unayan sa mga departamento upang magkaroon ng draft legislation na makatutulong para matiyak ang kaligtasan at pagtibayin ang kanilang mga karapatan.

Magugunitang aabot sa 350 Pilipinong manggagawa ang pinadeport ng Kuwait pabalik ng Pilipinas habang umiiral ang temporary deployment ban na ipinatupad ng Kuwaiti government para sa mga pinay domestic workers. //LB, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *