Tulfo, nais na magkaroon ng liquor licenses ang mga sellers para pigilan ang teenage pregnancies

Iminungkahi ni Senator Raffy Tulfo na magkaroon ng liquor licenses ang mga sellers sa layuning mapigilan ang teenage pregnancies.

Sa pagdinig ng Senate committee on women, family relations, and gender equality, sinabi ni Tulfo na alam niyang ang ilang kaso ng teenagers na nabubuntis ay matapos ang liquor-drinking session.

Kaugnay nito, isinusulong din ng neophyte senator ang pagbabawal sa mga estudyante, lalo na ang mga nasa high school na makalabas ng learning institution sa gitna ng school hours.

Dagdag nito, kailangan na magkaroon ng listahan ng mga indibidwal na sumusundo sa mga learners, dahil may pagkakataon umano na manliligaw o ibang lalaki ang sumusundo sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *