Tulong sa mga OFWs sa Japan, tiniyak ng DMW kasunod ng lindol

Patuloy na naka monitor ang Department of Migrant Workers o DMW sa employment situation ng mga overseas Filipino workers o OFW na apektado ng lindol sa Japan.

Sinabi ni DMW OIC Hans Leo Cacdac, na naka handa silang magbigay ng financial assistance sa mga OFW na nasuspendi ang trabaho o tumigil sa operasyon kasunod ng magnitude 7.6 na lindol.

Sa tala ng embahada ng Pilipinas, nasa 1,194 ang mga Pilipino na naninirahan sa dalawang prefectures na apektado ng pagyanig.

469 sa Ishikawa at 725 naman sa Toyama.

Karamihan naman ng mga manggagawa sa Japan ay nasa industriya ng manufacturing, welding, at carpentry sector. At may ilan din na caregivers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *