Tunay na nangyari sa pagkasawi ng isang OFW na tubong Cagayan, nais malaman ng kaniyang pamilya

Inihayag ng pamilya ni Marjorie Saquing Ancheta, ang nasawing OFW sa United Arab Emirates at tubong Cagayan na nais nilang malaman ang tunay na nangyari sa pagkasawi ng kanilang anak.

Batay sa resulta ng imbestigasyon ay na-suffocate umano sa carbon monoxide si Marjorie sa loob ng school bus na tumirik dahil sa pagbaha sa lugar noong ika-16 ng Abril.

Kaugnay nito, nagtataka ang pamilya ni Marjorie dahil hindi nadamay at ligtas naman ang tatlo pang sakay ng bus na kinabibilangan ng dalawang lalaki at drayber nito.

Sa kabila nito ay inilahad ng nanay ni Marjorie na masakit man ang nangyari sa kanilang anak ay tatanggapin na lamang nila at ikinagaan rin ng kanilang pakiramdam na naiuwi ang mga labi nito.

Samantala, ang employer naman ni Marjorie ang isa sa mga tumulong sa repatriation habang nagbigay ng tulong pinansyal ang Overseas Workers Welfare Administration sa Dubai.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *