Tupa sa South Sudan, sinentensiyahan ng 3-taong pagkakakulong dahil sa kasong murder

South Sudan— Nahaharap ngayon sa kasong “murder” ang isang tupa sa South Sudan sa Africa, matapos mahatulang guilty sa pagpatay sa isang 45-anyos na babae sa naturang bansa.

Batay sa ulat ng local media, inaresto ng mga otoridad ang tupa nitong May 17, makaraang mahatulan ng tatlong taong pagkakabilanggo matapos suwagin ang babaeng si Adhieu Chaping, na nag resulta sa agad nitong pagkamatay.

Ayon sa mga otoridad, hindi maaaring sisihin ang may-ari ng tupa sapagkat wala naman itong kinalaman sa insidente ngunit ganunpaman, bilang danyos perwisyos sa pamilya ng biktima, kinakailangan nitong magbigay ng limang baka sa mga ito.

Samantala, tatlong taon namang ikukulong ang suspek na tupa sa isang military camp sa Aduel County at pagkatapos ng sentensya ay ibibigay na ito sa pangangalaga ng pamilya ng biktima.

Noong nakaraang taon, iniulat ng New York Times na isang 73-anyos rin na ginang sa U.S ang nasawi matapos ding atakehin ng isang tupa.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *