Turismo, negosyo at digital connectivity, nagpa-angat sa ekonomiya ng rehiyon dos

Nakapag-ambag ng malaki sa pag angat ng ekonomiya ng Rehiyon Dos ang industriya ng turismo, negosyo at digital connectivity.

Ayon kay NEDA Region 2 Assistant Regional Director Ferdinand Tumaliuan, ang ibat ibang tanawin at mayamang kultura ng rehiyon at paglago ng micro, small, and medium enterprises ang mga dahilan ng –paglago ng ekonomiya sa Lambak ng Cagayan.

Naitala ng economic sector ang highest growth rate na nakapag ambag ng 199.8 billion sa gross regional domestic product, sinundan ng sektor ng industriya na P127.4 billion, agriculture, forestry, at fishery sector na may P119.9 billion.

Nakatulong din sa pag-angat ng sektor ng agricultura ang paggamit ng mga magsasaka ng mga makabagong teknolohiya .

Ipinahayag naman ni PSA Region 2 Regional Director Girme Bayucan, na ang pagtaas ng ekonomiya ng rehiyon ay patunay na nakarekober na ang rehiyon sa epekto ng covid 19

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *