Turismo sa Caramoan, Camarines Sur ngayong December 2023, mas mataas kumpara noong 2022

CAMARINES SUR- Bahagyang tumaas ang mga turistang dumayo sa Caramoan, Camarines Sur nitong nagdaang holiday season kung saan umabot sa 622  turista ang bumisita sa lugar para ipagdiwang at sulitin ang bakasyon.

Kinumpirma ito sa Brigada News FM Naga ni Katherine Herrero, Acting Tourism Officer ng Caramoan at napag-alamang mas mataas ang turismo nitong 2023 kumpara noong 2022 kung saan kaunti ang naging turista dahil sa maulan na panahon.

Sa ngayon, pinaghahandaan na nila ang pagdagsa ng mga turista ngayong summer season dahil taon-taon umaabot ng halos 22,000 ang naitatalang dumarayo sa bayan sa loob lamang ng buwan ng Marso hanggang Hulyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *