Tutok Kainan Supplementation Program para sa mga nutritionally at risk pregnant, inilunsad na sa bayan ng Goa, sa Partido Area

CAMARINES SUR – Opisyal nang inilunsad sa bayan ng Goa sa Camarines  Sur, ang Tutok Kainan Supplementation Program, para sa mga nutrionally at risk pregnant.

Layunin ng programang ito na mapangalagaan ang kalusugan ng mga buntis partikular na ang mga teenage at underweight pregnant, upang maihanda sila sa kanilang panganganak at maiwasan ang pagiging bansot ng kanilang mga anak.

Ang naturang programa ay nakasaad at kabilang sa Kalusugan at Nutrisyon ng Mag Nanay Act. Katuwang ang lokal na pamahalaan ng nasabing bayan at Rural Health Unit, nagpapatuloy ang kampanya ng Municipal Nutrion Office upang maiwasan ang malnutrisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *