Tyler Bey, pinatunayan ang pagiging scoring champion

Pinatunayan ni Tyler Bey ang pagiging scoring champion sa pagsisimula ng Season 48 PBA Commissioner’s Cup.

Humataw ang import ng 31 points bukod sa 20 rebounds para akayin ang Magnolia sa 110 -102 points laban sa TNT Tropang Giga.

Sinelyuhan ni Bey ang panalo ng Hotshots mula sa kanyang follow-up slam sa natitirang 24.2 segundo sa fourth period.

Hindi rin nagpatalo si Mark Barocca nang makakuha ng 19 points kasunod ang 17 markers ni Paul Lee para sa 1-0 record ng Hotshots.

Susunod na lalabanan ng Magnolia ang Phoenix sa November 12.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *