UAAP 84 CDC – from 6min. routine to 3 mins; no live drums

Pinal na ang naging desisyon ng pamunuan ng UAAP na hindi na payagan ang live drums para sa Cheerdance Competition nito sa Linggo.

Ito ay kahit na naglabas ng joint statement ang ilang mga lider ng pep squad at drummer line para ipanawagan ang live drums sa naturang turneyo.

Sa ilalim ng panawagan na nilagdaan ng mga coach at president ng Ateneo Blue Babble Band, FEU Drummers, Anime Squad, UE Red Drummers at UP Pep Squad Drummers, iginiit nila na ibang-iba ang pakiramdam ng cheerdance competition kung isasagawa ang mga tradisyunal na pag-palo sa drums at ang mga university cheers.

Sa pulong balitaan, sinabi ni UAAP President Emmanuel ‘Nonong’ Calanog na hindi pa rin papayagan ang live drums.

Maliban pa rito, nilimitahan lamang din sa 15 miyembro ng pep squad ang makakapag-perform.

Ibinaba lang din sa 2 and a half minute hanggang 3 minutes ang routine ng mga squads.

Matapos ang dalawang-taong pagkaka-kansela ng UAAP CDC, tuloy na tuloy na ito sa Linggo, alas-kuwatro ng hapon sa MOA Arena.

Unang magtatanghal naman ang Ateneo Blue Babble Battalion; na susundan ng reigning champion na NU Pep Squad; ikatlo ang UP Pep Squad; susundan ng FEU Chearing Squad; ika-lima naman ang Adamson Pep Squad; ika-anim ang DLSU Animo Squad; ika-pito ang UE Pep Squad; habang huli ang UST Salinggawi Dance troupe.//GAB DALISAY (COVER PHOTO BY MERVINE MANUNTAG)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *