UE, aminadong nahirapan dahil sa suspensyon ng coach na si Jerry Yee

Inamin ni University of the East assistant coach Obet Vital na lubos na naapektuhan ang UE Lady Warriors sa pagkakasuspinde ni Jerry Yee.

Ito raw kasi ang isa sa mga rason kung bakit sila nakapagtala ng sunod-sunod na talo sa UAAP Season 86 women’s volleyball tournament.

Nahirapan ang UE sa kanilang pinaka huling laro laban sa Adamson University kagabi, na may final scores na 9-25, 19-25, 28-26, at 27-29.

Nabatid na inanunsyo ng UAAP ang tatlong buwang suspensyon ni Yee kasunod ng reklamo na hindi naayon sa layunin ng liga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *