UE, nanguna sa fencing ng UAAP

Muling namayagpag ang University of the East sa UAAP fencing nang manguna ito sa lahat ng dibisyon sa Season 86 tournaments na nagtapos noong Linggo.

Nasungkit ng Red Warriors ang ika-10 sunod-sunod na men’s title na may tatlong ginto at dalawang silver, habang sa women’s division, nanguna rin ang UE para sa ikatlong sunod-sunod na season na may tatlong ginto, dalawang silver at isang bronze.

Ayon kay head coach Amatov Canlas, masaya siyang na-retain ng mga manlalaro ng UE ang championship kahit na tumataas ang pressure kada taon.

Samantala, sinundan naman sila ng University of Santo Tomas at De La Salle University  sa men’s division, habang ang University of the Philippines at UST ang kumumpleto sa top three ng women’s division.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *