UK, binalaan ang mga citizens na huwag muna magbakasyon sa Sri Lanka

Binalaan ng UK government ang kanilang mga citizens na huwag muna magbakasyon sa Sri Lanka dahil sa kasalukuyang krisis doon.

Maituturing na popular South Asian country destination ng mga British tourists ang naturang bansa.

Nauna ng naiulat na nakakaranas ngayong ang Sri Lanka ng kakulangan sa pagkain at langis kung saan maraming residente ang umaaray at nahihirapan na.

Samantala, matatandaang inanunsyo ni Sri Lanka Prime Minister Ranil Wickremesinghe na bankrupt na ang kanilang bansa na maaari pang magtagal sa susunod na taon. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *