UK PM Johnson, nanawagan sa G7 na mabakunahan ang buong mundo sa katapusan ng 2022

Nanawagan si British Prime Minister Boris Johnson sa mga lider ng mayayaman na bansa na bahagi ng Group of Seven (G7) na tiyaking mababakunahan ang buong mundo kontra COVID-19 sa katapusan ng 2022.

Sinabi ni Johnson na kung matagumpay na mababakunahan ang buong mundo sa katapusan ng 2022, ay magsisilbi ito bilang pinakamalaking tagumpay sa buong kasaysayan ng medisina

Iginiit ni Johnson na kailangan nila, bilang G7 leaders, na magkaisa para mawakasan na ang pandemya, at kailangan rin nila mangako na hindi na mauulit ang problema na idinulot ng coronavirus sa buong mundo.

Mababatid na sasamahan ng mga lider ng Germany, France, Estados Unidos, Italy, Japan, European Union at ng Canada si Johnson sa three-day summit sa Cornwall, sa southwest ng England na magsisimula sa Biyernes.

Magsisilbi ito bilang unang overseas trip ni US President Joe Biden mula nang maupo ito sa pwesto noong January.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *