UK, umorder ng kargdagang 60-million Pfizer vaccine doses

Inanunsyo ng Britain na nag-order ito ng 60-million na karagdagang doses ng Pfizer/BioNTech COVID-19 vaccine para sa booster program na naglalayon na maprotektahan ang mga pinaka-vulnerable sa gitna ng winter.

Sinabi ni Health Secretary Matt Hancock na nakatutulong ang bakuna para maibalik ang kanilang kalaayaan at dapat ay maprotektahan nila ang progreso na ito.

Ipinunto ni Hancock na dahil sa bagong banta ng bagong variant ay kumikilos na ang gobyerno para makapagbigay ito ng booster shots sa pagtatapos ng taon.

Mababatid na ang Britain ay ang pinakaapektadong bansa na naapektuhan ng COVID-19 sa Europa.

Naitala sa nasabing bansa ang mahigit 127,000 na death toll, sa kabila ng matagumpay nitong mass vaccination campaign na kauna-unahan sa buong mundo, gamit ang AstraZeneca, Pfizer/BioNTech at Moderna vaccines.

Base sa datos na inilabas noong Miyerkules ay umabot na sa halos 34-million ang bilang ng mga nakatanggap ng unang dose ng bakuna sa Britain habang nasa 13.5-million naman ng adults ang naturukan na ng second dose.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *