Ukraine, haharapin ang Russia sa UN court

Makikipag-head-to-head ang Ukraine sa Russia sa  UN’s top court matapos nitong akusahan ang Russia ng pagsuporta sa pro-Moscow rebels bago nangyari ang full-scale invasion noong nakaraang taon.

Ibibigay ng Kyiv at Moscow ang kanilang mga argumento sa mga hukom ng International Court of Justice  sa The Hague, sa isang kaso na inihain ng Ukraine noong 2017.

Bukod ditto, nagsampa  rin Ukraine ng hiwalay na kaso na may kaugnayan sa pagsalakay ng Russia noong February 2022, kung saan inakusahan nila ang Moscow ng genocide planning.

Inaakusahan din ng Ukraine ang Russia ng paglabag sa UN conventions on financing terrorism and on racial discrimination at humihingi ng danyos sa ginawag pag-atake noong 2014 kung saan humigit-kumulang 13,000 katao ang namatay.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *