Ukraine, tinitingnan ang unverified info na gumamit ang Russia ng chemical weapons sa Mariupol

Iniimbestigahan na ng Ukraine ang unverified information na nagsasabing posibleng gumamit ang Russia ng chemical weapons habang sinasakop ang southern Ukrainian port city ng Mariupol.

Ayon kay Ukraine’s Deputy Defense Minister Hanna Malyar, may mga teyorya na posibleng ito ay phosphorus munitions.

Sinabi naman ng Britain at ng United States na alam nila ang reports na maaring gumamit na ang Russia ng chemical agents sa Mariupol, kung kaya’t nakikipag-ugnayan narin sila sa kanilang mga partners para iberepika ang ulat.

Matatandaan na inakusahan ng Russia ang Ukraine na naghahanda umano ng pag-gamit ng chemical weapons, nang walang ebidensya. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *