Umano’y 2 miyembro ng Dualah Islamiyah, patay sa operasyon sa Polomolok, SoCot

KORONADAL CITY — NAPATAY ng mga otoridad ang umano’y dalawang miyembro ng Dualah Islamiyah Terrorists group sa operasyon ng mga militar sa Barangay Lapu, Polomolok, South Cotabato.

Ayon kay Lieutenant Colonel Raymond Rapi, Battalion Commander ng operating troops, umabot sa limang minuto ang palitan ng putok bago napatay ang dalawa.

Kinilala ang mga ito ni Rapi na sina Zypol Nilong at Salahudin Usman na pinaniniwalaang kasamahan ni Zaiden Jade Nilong alias Aliboy.

Narekuber sa mga ito ang dalawang M16 rifles, ibat-ibang kagamitan sa paggawa ng improvised explosive devices (IED),mga subresibong dukumento at mga kagamitan pang-giyera.

Sa ngayon nagpapatuloy ang mga operasyon ng mga otoriada habang patuloy rin ang panawagan ng mga ito sa mga rebelde grupo na magbalik loob sa gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *