Umano’y ASG sub-leader, kapatid ng Jolo bombings suspect, patay sa Sulu clash

Patay ang apat na umano’y mga miyembro ng Abu Sayyaf Group, kabilang na ang suspected sub-leader at nakababatang kapatid ng 2020 Jolo twin bombings suspect, sa isang shootout (Linggo) ng madaling araw. umaga

Kinilala ng Joint Task Force-Sulu ang suspected ASG sub-leader na si Injam Yadah, na pinaniniwalaang nasa likod ng kidnapping sa ilang Filipino at foreign nationals, kabilang na ang abduction sa limang Indonesians noong January 2020, na narescue sa Tawi-Tawi nito lang taon.

Pagdedetalye ng task force, pinasok ng tropa ng pamahalaan at ng Philippine National Police ang tirahan ni Yadah sa Brgy. Alat, Jolo, para isilbi sa kanya ang warrant of arrest nang pagbabarilin umano sila ng mga miyembro ng ASG, dahilan para gumanti ng putok ang mga otoridad.

Samantala, napatay rin si Al-Al Sawadjaan, kapatid ng bomb expert Mundi Sawadjaan na umano’y mastermind sa Jolo bombings noong August 2020 na ikinasawi ng 14 katao at ikinasugat ng 78 iba pa.

Nakuha naman mula sa scene ang isang M653 carbine rifle, caliber .45 pistol, improvised explosive device components at 15 mobile phones. // MHEL PACIA -TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *