Umano’y cyanide fishing sa Bajo De Masinloc – paiimbestigahan na sa Senado

Pormal nang inihain sa Senado ni Special Senate Committee on Philippine Maritime and Admiralty Zones, Chairperson, Senador Francis Tolentino ang Resolution No. 938.

Kung saan layunin nitong imbestigahan ang hinihinalang cyanide fishing sa Bajo De Masinloc o Scarborough shoal ng mga mangingisdang Chinese at Vietnamese.

Ito ay matapos ang nakaraang pahayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na labis ang naging sira ng mga lagoon sa Bajo De Masinloc dahil sa di umano’y pag-cynide fishing dito ng mga nasabing mangingisda.

Ayon kay Tolentino, hindi ito ang unang pagkakataon na nabalitaan ang pagkasangkot ng China sa mga aktibidad na nakakasira sa West Philippine Sea (WPS)

Kaugnay nito, marapat lang umanong maimbestigahan ito bilang ang WPS ay parte ng teritoryo at soberanya ng Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *