Umano’y ‘gentleman’s agreement’ sa pagitan ni dating PRRD at China – paiimbestigahan na

Inihain sa Senado ni Senate Deputy Minority Leader, Senadora Risa Hontiveros ang Senate Resolution No. 982 na naglalayong paimbestigahan ang di umano’y ‘gentleman’s agreement’ ni dating pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping.

Paniniwala ni Hontiveros, maituturing na ‘treasonous’ o pagtataksil sa bansa ang ginawa ni Duterte kung sakaling totoo man ang nabanggit na kasunduan.

Pagpapaliwanag niya, maari kaseng nailagay sa pahamak ang pambansang seguridad ng bansa dahil sa walang-dangal na ‘gentleman’s agreemement’ na ito.

Dagdag pa niya, sa pamamagitan nito ay tila mas pinalakas lang din ni Duterte ang Tsina.

Kaugnay nito, upang maliwanagan sa nangyari, layunin ng isasagawang pagdinig na malaman mismo kay Atty. Harry Roque ang ang kalagayan ng naging kasunduan at kung paano ito pinamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *