Umano’y massage therapist, inireklamo ng pangingikil sa Naga

NAGA CITY- Isinumbong sa mga otoridad ang pananakot at pangingikil ng umano’y massage therapist sa costumer nito sa Naga City.

Ayon sa complainant, may nag offer sa kaniya ng masahe at extra service sa Barangay San Francisco. Nangyari nga ang masahe at ang iba pang offier pero habang papauwi na ang biktima nakatanggap siya ng mensahe mula sa umano’y massage therapist, tinatakot na ilalabas ang video kung hindi magbibigay ng P5,000.00.

Sa entrapment operation ng Police Station 1, nadakip ang 29-anyos na suspek. Grave Coercion  may koneksyon sa “Cybercrime Prevention Act of 2012” ang kakaharapin sana.  Ayon sa suspek, first time niya naman itong gawin. Desidido ang biktima na sampahan ng kaso subalit hindi sapat ang ebidensya sa korte kaya hindi na itutuloy ang kaso.

Paaalala ni PMaj. Rey Alvarez ng Police Station 1 , mag-ingat sa mga ganitong serbisyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *