Umano’y NPA, patay sa engkwentro sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- Malungkot na pinagmasdan ng mga bata ang kanilang padre de pamilya sa Presentacion , Camarines Sur; napatay sa engkwentro sa pagitan ng mga militar sa Barangay Lidong.

Sa inisyal na ulat ng 9th Infantry Division Philippine Army, nagkabakbakan ang tropa ng pamahalaan partikular na hanay ng 83rd Infantry Batallion at mga communist terrorist group bandang alas 10:25 ng umaga nitong Biyernes , Feb. 2, 2024. Tumagal ng limang minuto ang palitan  ng putok.

Nakilala ang biktima na si alyas “Kupsit”/ “Lucky”

Narekober ang apat na high powered firearms at isang low powered firearm pati mga subersibong dokumento. 

Ayon kay DPAO Chief Major Frank Roldan, tuloy-tuloy ang panawagan ng mga kasundaluhan sa mga rebelde na iiwan na ang armadong pakikibaka at magbagong buhay dahil may mga naghihintay namang programa para sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *