Umano’y pananamantala sa mga ayuda ng DOLE at DSWD, iimbestigahan na

Inatasan na ni Senate President Migz Zubiri ang Senate Blue Ribbon Committee sa pangunguna ni Senadora Pia Cayetano na pangunahan ang imbestigasyon tungkol sa di umano’y pananamantala o pangungurakot sa mga ayuda program ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ito ay matapos ang inilabas na testimony video ni Senador JV Ejercito sa Senado.

Kung saan ayon sa testigo ang kanyang sahod sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ay napunta sa P1,000 imbis na P7,500.

Kaugnay nito, binigyang-diin ni Zubiri na kailangan na itong maimbestigahan ng Senado

Ito ay upang matukoy ang tao sa likod nito at mairekomenda sa Korte ang pagsampa ng kaso sa mga mapapatunayang may sala.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *