Umano’y planong pagbuwag sa Task Force Davao, walang katotohanan ayon sa AFP

Walang katotohanan ang umano’y planong pagbuwag sa Task Force Davao.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, walang direktiba para buwagin ang Task Force Davao dahil wala namang nakikitang pangangailangan para rito.

Nauna nang itinanggi ng Eastern Mindanao Command na bubuwagin ang Joint Task Force Davao.

Sa isang pahayag , sinabi ni Spokesperson Col. Rosa Ma. Cristina Rosete-Manuel na walang kautusan mula sa pamunuan ng AFP na tanggalin ang Task Force Davao sa kanilang kasalukuyang Mandato.

Ang Task Force Davao, ang pangunahing pwersa ng Joint Task Force Haribon ng Eastmincom sa counter-terrorism Operations sa Davao.

Naging epektibo aniya ang Task Force Davao sa pagpigil sa terrorism activities sa Davao at matagumpay na napanatili ang kapayapaan, seguridad at kaunlaran sa Lungsod.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *