Umano’y supporter ng Conception gang, sumuko

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Albay Police Provincial Office at Libon Municipal Police Station na sumuko ang umano’y supporter ng Conception Criminal Group nitong nagdaang araw.

Handa umano itong tumulong upang supilin ang mga ilegal na aktibidad ng nasabing grupo.

Nananawagan ngayon ang Albay PPO na makiisa at ipagbigay-alam sa Libon MPS kung mayroon silang impormasyon na may kinalaman sa Conception.

Muli ring binigyang-diin na ang sinumang makakapagtuturo sa mga natitirang miyembro nito ay tatanggap ng pabuya.

Patuloy naman ang paghahanap sa grupo upang maibalik sa maayos at normal ang pamumuhay ng mga tao at mawala na rin ang mga ginagawang krimen sa lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *