Umento sa sahod sa apat pang rehiyon sa bansa, asahan bago matapos ang Mayo – DOLE

Nakatakda umanong ianunsyo ng Regional Wage Board ang minimum wage increase o umento sa sahod sa apat pang rehiyon sa bansa bago matapos ang buwan ng Mayo.

Sa isang panayam sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III, hanggang sa May 31 ay posibleng ianunsyo ng bawat wage board ang taas sahod sa Region 3, 4A 10, at 11.

Sa oras naman aniya na inanunsyo ang wage increase sa mga nasabing rehiyon at ma-publish sa mga pahayagan, magiging epektibo aniya sa June 12 o sa June 15.

Ipinunto ni Bello na lubos niyang tinutukan ang pagtaas ng sahod ng bawat manggagawa sa bansa bago siya bumaba sa pwesto bilang kalihim ng DOLE.

Samantala, iniulat naman ni Bello na umapela ng reconsideration ang Negros Occidental para sa ipapatupad na wage increase sa kanilang rehiyon.(CLAY MARQUEZ)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *