Umugong na bali-balitang coup d’etat laban kay SP Zubiri – pinabulaanan

Pinabulaanan ng mga senador ang kumakalat na bali-balitang pagpaalis sa pwesto kay Senate President Migz Zubiri.

Ito ay matapos ang di umano’y pangunguna nito sa pagtutol sa Charter Change (Cha Cha).

Ayon kay Senadora Grace Poe, walang katotohanan ang impormasyong ito dahil wala silang plano sa Senado na palitan si Zubiri.

Ayon naman kay Senador JV Ejercito, maaring isang divide and conquer strategy lang ito ng Kongreso dahil sa pagtutol nila sa itinutulak na people’s initiative.

Dagdag pa niya, satisfied at mayroon silang full trust at confidence sa liderato nito.

Kung kaya’t maging si Senate President Pro Tempore Loren Legarda ay full support din sa liderato ni Zubiri.

Samantala, tiwala naman sina Senate Majority Leader Joel Villanueva at Senadora Nancy Binay na isa lang itong pang-iintriga at estratehiya upang guluhin ang kanilang institusyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *