UN Rapporteur Mama Singhateh, nakipag-pulong sa DOJ kaugnay sa pang-aabuso sa mga bata

Nakipagpulong si UN Rapporteur Mama Singhateh sa mga opisyal ng Department of Justice kaugnay ng online sexual abuse at exploitation of children.

Sinabi ni DOJ Assistant Secretary at Spokesperson Jose Dominic Clavano IV, tinalakay sa pulong ang mga lokal na mekanismo , awareness program at ang mga hamon na kinakaharap sa case build-up at sa pagsasampa ng mga kaso.

Si Singahateh ay nasa Pilipinas hanggang sa December 8 upang magsagawa ng assessment sa sitwasyon at ang pagsulong na ginawa sa paglaban at pagpigil sa pagbebenta at sexual exploitation sa mga bata.

Isa siya sa tatlong UN special rapporteurs na pupunta sa bansa.

Ang dalawa pa ay sina Special Rapporteur on Extrajudicial Killings Dr. Morris Tidball-Binz at Special Rapporteur on Freedom of Expression and Opinion Irene Khan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *