Editors Pick

UN Special Rapporteur on the Sale and Sexual Exploitation of Children, bumisita sa Kamara

Malugod na tinanggap ng Kamara ang pagbisita ni UN Special Rapporteur on the sale and sexual sxploitation of children, Mama Fatima Singhateh.

Personal siyang tinanggap nina Committee on Revision of Laws chairperson Manila 4th District Rep. Edward Maceda; Committee on Human Rights chair Manila 6th District Rep. Benny Abante, at Committee on Women and Gender Equality chair Bataan 1st District Rep. Geraldine Roman.

Inisa-isa nina Maceda ang mga naipasang panukala para sa pag-protekta sa mga kabataan mula sa iba’t ibang uri ng pang-aabuso.

Kabilang na rito ang bagong pinagtibay na Republic Act 11930 o ang Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) Act.

Tiniyak naman ni Maceda na magtutuloy-tuloy pa ang mga hakbang ng Kongreso para sa pagpapalakas ng proteksyon ng mga kabataan.

Nilalayon ng pagbisita ni Singhateh sa bansa ang pagpapalitan ng mga pamamaraan para malabanan ang sexual exploitation.

Si Singhateh ay kasalukuyang nasa Pilipinas para sa kanyang 14-day visit.

Maliban kay Singhateh, bibisita rin sa Pilipinas sina Special Rapporteur on freedom of expression and opinion Irene Khan; at Special Rapporteur on extra-judicial summary or arbitrary execution, Morris Tidball-Binz.

RELATED STORY:

BNFM Makati

Recent Posts

Sandy Cays na bahagi ng Pag-asa island sa WPS, nasa ‘degraded state’ na

Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island…

1 day ago

RTWPB – inumpisahan na ang pagre-review sa mga sahod

Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng…

1 day ago

Championship games sa Palarong Bicol 2024 – nauwi sa rambulan

NAUWI sa rambulan ang Men's Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at…

2 days ago

Inaasahang rollback sa susunod na linggo – nadagdagan pa ng hanggang sa humigit-kumulang isang piso

Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…

2 days ago

PNP, muling dinepensahan ang pag-aresto sa ‘Mayo Uno 6’

Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…

2 days ago

Defense chiefs ng PH, Japan, US, at Australia – kinundena ang harassment ng China sa WPS

Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…

2 days ago