Unang araw ng Voter’s Registration – naging matagumpay

Umabot sa 88,809 ang kabuoang bilang ng mga nagpatala sa unang araw ng Voter’s Registration.

Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) chairperson George Garcia – may pinakamaraming nagpa-rehistro sa Metro Manila na mayroong 10,582.

Mayroon ding 41 na mga nagpa-rehistro sa kanilang Register Anywher Program sa Metro Manila; at mayroong 463 na nag-avail nito sa kabuoan.

Magtatagal ang Voter’s Registration hangang sa September 30.

Bukas din ang mga poll offices sa buong bansa Lunes hanggang Sabado kabilang ang holidays; habang mayroon ding mga piling malls kung saan maaaring magpa-register.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *