Unang araw ng voter’s registration sa Naga, dinagsa; mga nakapagrehistro nasa 191 kaagad

NAGA CITY – Dinagsa at naging maganda ang unang araw sa pag-arangkada ng pagbabalik ng voter’s registration sa Commission on Election Naga, kung saan nasa 191 kaagad ang naitalang nakapagparehistro, kahapon.

Ito ang napag-alaman kay Atty. Maico Julia Jr., Comelec Officer, kung saan walang naging problema sa transaksyon maging sa pila, lalo na ngayong mas inaasahan nila ang mas maraming magpaparehistro at inaasahang aabot sa limang libo bawat buwan na magtatapos sa Setyembre 30, taong kasalukuyan, para sa National at Local Election sa taong 2025.

Bukas, mula Lunes hanggang Sabado, simula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon. Nakalatag na rin ang schedule para sa satellite registration.

Idinagdag na rin ng opisyal na, wala pang memorandum na nakakarating sa kanila hinggil sa pagsuspendi ng voter’s certificate, at kung sakali man na maibalik ang voter’s ID handa naman ang opisina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *