Unang batch ng Janseen COVID- 19 vaccine na dumating sa Camarines Norte sa senior citizens lang ituturok- PHO

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Provincial Health Office (PHO) na tanging sa A2 priority lang o senior citizens ibibigay ang nasa 19,500 doses na unang batch ng Janssen COVID-19 Vaccines (J&J) na dumating sa lalawigan ng Camarines Norte noong Miyerkules.

Batay ito sa inilabas na inilabas na advisory na pirmado ni acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco kahapon.

Ayon dito, ang Janseen manufactured vaccine na Johnson & Johnson ay COVAX donation kaya’t mahigpit ang tagubilin na sundin ang prioritization framework sa bakuna.

Inaasahan namang magtutuloy- tuloy ang pagbabakuna sa lalawigan ng Camarines Norte dahil sa dumating na Johnson & Johnson at Sinovac COVID- 19 vaccine noong Miyerkules.

Sa katunayan ay mayroong Lokal na Pamahalaan na magbabakuna kahit weekend.

Tiwala naman ang PHO sa stratehiya ng mga Lokal na Pamahalaan para mapabilis ang pagbabakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *